Tuesday, December 3, 2013

LETTER OF A BITTER

Alam mo ba sabe nila kapag gagawa ka ng liham dapat may inspirasyon ka. Alam mo ba ikaw ang nasa isip ko habang ginagawa ko ang sulat na ito.  Sana magustuhan mo.


Nung una kitang nakita alam ko ikaw na. pero nagkamali ako, wala kang pinagiba sa ibang nakilala ko. Sinabe ko sa sarili ko, wala ng hihigit pa sayo. Ikaw na talaga at wala ng iba. Mas madame pa pala, sobrang dame na sana naghanap muna ako. Ikaw ang mundo ko noon, nakakahinayang lang at bakit umabot sa punto na naramdaman ko yun. 

Sobrang mahal na mahal kita at handa akong ibigay ang lahat ng gusto mo. Nagsisisi nga ako kung bakit hinayaan ko mangyare lahat ng yun. Alam mo handa akong ipaglaban ka kahit kanino. Buti na lang narealize ko mas ok na hayaan na lang kita awayin ng kahit sino. Ikaw ang isa sa pinakamagandang nangyare sa buhay ko, bakit hindi ko kaagad naisip na mas maganda pala na hindi kita nakilala. 

Alam mo ba isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko kapag kasama kita. Narealize ko mas masaya pala tumitig sa butiki sa kisame.  

Higit sa lahat nagpapasalamat ako na na dumating ka sa buhay ko, dahil itinuro mo sa akin ang halaga ng pagibig. At yun ay ang wag sasayangin ang oras, panahon at pagmamahal sa walang katuturan na bagay.

Ngayon naman ay nagpapasalamat ako dahil wala ka na sa buhay ko.

Favorite motto ko nga pala "nasa huli ang pagsisisi".